Wawakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang impluwensya ng mayayamang negosyante na nakadikit sa pamahalaan.

“My order is: destroy the oligarchs that are embedded in government now,” ani Duterte.

Isang halimbawa umano si business tycoon Roberto Ongpin na umano’y nakinabang sa mga nagdaang presidente.

“Malakas kay (Ferdinand) Marcos noon, Trade minister, I think. Then malakas siya sa succession. (During Fidel) Ramos he was a hanger on, then kay Gloria (Arroyo), PNoy (Aquino). Now he owns the online (gambling),” ayon pa sa Pangulo.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Idinagdag pa nito na ang katulad ni Ongpin ay mga taong nakaupo lang sa kanilang eroplano, sa kanilang mga mansyon, ngunit patuloy ang pagdating ng pera sa kanila. “Sabi ko: destroy,” ayon sa Pangulo.

Bago pa man maupo sa Malacañang, sinasabi na ng Pangulo na kailangang matigil na ang online gambling, kabilang dito ang eBinggo at eGames. (Elena L. Aben)