Kamatayan ang sinapit ng isang lalaking umano’y akusado sa tangkang pamamaslang matapos makipagbarilan sa mga pulis na nakatakdang magsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya sa Parañaque City nitong Miyerkules ng gabi.

Batay sa nakalap na impormasyon mula kay Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson, ang nasawing suspek ay si John Fernandez y Tipace, alyas “Jun-Jun”, 26, ng Block 5 Cherry East, Barangay Sun Valley Parañaque City.

Sa pagsisiyasat nina PO3s Walter Dulawan at Johnny Margate, ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Parañaque City Police, dakong 8:20 ng gabi kamakalawa nang magkabarilan ang suspek at mga pulis sa Tulips St., Executive Village Bgy. Sun Valley.

Lumitaw na nagtungo ang awtoridad sa bahay ng suspek bitbit ang warrant of arrest, na inisyu ng Parañaque City Regional Trial Court (RTC) Branch 195, sa kasong attempted murder.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sa halip umano na sumuko nang mapayapa, bigla umanong tumakbo ang si Fernandez kaya’t hinabol siya ng mga pulis at pagsapit sa isang lugar ay bumunot ng .38 revolver ngunit inunahan na siya ng mga awtoridad sa pagpapaputok ng baril.

Nasamsam ang tatlong sachet na pinaghihinalaang naglalaman ng shabu, isang kalibre.38 na baril na may limang bala at dalawang basyo ng kalibre .9mm na baril. (Bella Gamotea)