Aabot sa P3.3 bilyon ang mawawala sa ekonomiya ng Luzon kapag hindi naging maayos ang distribusyon ng kuryente.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ang pagtaya ay batay na rin sa istatistika ng Gross Domestic Product (GDP) na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong unang bahagi ng 2016.

“Widespread power outages across Luzon would bring national economic productivity to a standstill,” ani Gatchalian.

Aniya, apektado ang service sector, manufacturing companies at agrikultura, na posibleng ikabagsak ng ekonomiya ng Luzon.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi pa ni Gatchalian na sa ngayon ay kailangang mapatatag ang sektor ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng polisiya na tututok sa dagdag na pagkukunan ng enerhiya. - Leonel M. Abasola