BAGUIO CITY – Namatay ang isang Austrian na nalunod makaraang bumaligtad ang sinasakyang rubber boat sa Chico River sa bahagi ng Bontoc, Mt. Province, nitong Martes ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, kasama ni Judith Kiesl at lima pang turista at isang tour guide habang nagsasagawa ng river rafting sa ilog, hanggang biglang lumakas ang ragasa ng tubig.

Tumama sa malaking bato ang rubber boat at tumilapon ang mga sakay nito, dakong 10:00 ng umaga.

Inabot ng kalahating oras bago nahanap si Kiesl at isa pang Austrian ngunit hindi na umabot nang buhay ang una sa Bontoc General Hospital. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog