Kung nais makasiguro ng panalo, kailangang patulugin ni International Boxing Organization (IBO) super featherweight champion Jack Asis ng Pilipinas ang karibal na si dating world champion Malkolm Klassen para maidepensa ang titulo sa kanilang pagtutuos sa Sabado sa Port Elizabeth, Eastern Cape, South Africa.

Naging kampeong pandaigdig si Asis mula nang magbase siya sa Australia kung saan mula nang matalo noong 2011 ay nagtala ng 15 sunod na panalo na nabahiran lamang ng isang tabla sa 16 na laban, 10 sa pamamagitan ng knockout kaya nabansagan siyang “The Assassin.”

Ngunit, nagmimistulang Thailand ang reputasyon ng South Africa sa tinaguriang ‘hometown decision’ kung kaya’t kailangan ang higit na pag-iingat ni Asis.

Dating International Boxing Federation (IBF) at Worl Boxing Federation (WBF) super featherweight champion si Klassen na huling lumaban para sa kampoenato ng IBO noong 2013 pero tinalo sa puntos ni Aussie Will Tomlison sa sagupaang ginanap sa Victoria, Australia.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May rekord si Klassen na 32-6-2, tampok ang 17 knockouts samantalang si Asis ay may kartadang 35-18-5, kabilang ang 18 knockout. - Gilbert Espeña