Hindi magiging engrande ang pagbubukas ng Rio de Janeiro Olympics sa Biyernes na tulad ng tradisyunal na palabas, ngunit magpapakita ito ng kaanyuan ng bansa, ayon kay executive producer Marco Balich nitong Lunes.

Apat na araw bago magsimula ang unang Olympics sa South America, sinabi ni Balich na ang ibinagay ang palabas na gaganapin sa Maracana stadium sa kasalukuyang kondisyong pang-ekonomiko ng bansa.

“This is not an opulent event given the situation in Brazil,” pahayag ni Balich.

Dumadanas ng recession ang Brazil simula pa lamang noong 1930s kasama ang mga organizers na nahihirapan para sa pinansyal at pagtatapos sa mga pagdadausan at impastruktura, ilang araw bago pa ang pagsisimula ng global showpiece.

'Rest well my friend!' EJ Obiena, may tribute para kay Mervin Guarte

“It does not have the grandiosity of Beijing, the huge special effects of Athens, the eccentricity and technological skills of London. It is an analogue opening ceremony,” ayon kay Balich.

Base ang palabas, na inaasahang gagastos nang halos kalahati ng $42 million na ginastos sa London noong 2012, sa tema ng pagpapanatili, Brazilian smile at “gambiarra.

“Brazil has the last big garden (the Amazon rainforest) of the world. We need to take care of this garden and we tried to share this message, a message of hope,” sabi ni Balich.

“It is a very contemporary ceremony. Even without special effects it talks to people about the future. In a very humble way. It is not a display of how good or modern Brazil is.”

Nananatili pa ring sikreto ang gaganapin sa pagbubukas ng quadrennial Games , kabilang ang huling torchbearer na mag-iilaw sa cauldron. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)