Hinatulan ng Sandiganbayan ng 10 taong pagkakakulong si dating Barlig, Mountain Province Mayor Crispin Fias-Ilon dahil sa pagso-solicit ng komisyon mula sa isang local supplier, inihayag kahapon ng Office of the Ombudsman.

Ayon sa Ombudsman, nagprisinta ang prosekusyon ng mga testigo na nagsabing Hunyo 2006 nang nanghingi si Ilon ng P45,000 kapalit ng paglalabas ng tseke na ibabayad ng munisipalidad sa Blessed St. John Pharmaceutical and General Merchandise (BSJPGM) para sa mga gamot at surgical supplies.

Ang BSJPGM ang nanalong bidder nang bumili ng mga gamot ang Barlig sa halagang P318,000.

Ayon sa mga testigo, hiniling ni Ilon ang sarili niyang share sa nasabing bayad. Kalaunan ay naaresto siya ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operations habang tumatanggap ng komisyon.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa desisyon ng Sandiganbayan, binigyang-diin nito na “the prosecution sufficiently showed that accused received the money or commission.”

Ayon sa Sandiganbayan, “the purchase of medicines and medical supplies is a transaction by the municipality and not a personal deal by the mayor,” idinagdag na “it is very suspicious that the mayor would be the one to personally hand the check to the supplier.” (JUN RAMIREZ)