CAMP MACABULOS, Tarlac City - Marahas na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng umano’y sangkot sa droga na dalawang beses na binaril sa ulo ng hindi nakilalang armado sa St. Jude Village sa Barangay Alfonso, Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Jose Dayrit Baluyut III ang pinaslang na si Marife Lazatin, alyas Petdang, 45, residente sa nasabing barangay.

Ayon sa isang saksi, dakong 4:30 ng umaga nang ipagtanong si Petdang ng isang hindi nakilalang lalaki at nang matagpuan ay kinaladkad ng suspek ang biktima at dalawang beses na binaril sa ulo gamit ang isang .45 caliber pistol. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog