Lalong pag-iibayuhin ng Bureau of Immigration (BI) ang kampanya nito laban sa human trafficking matapos maharang ang 20,316 pasahero na nagtangkang umalis ng bansa mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na kailangang harangin ng immigration officers (IO) ang mga kaduda-dudang pasahero upang matiyak na lehitimong turista at hindi magtatrabaho sa ibang bansa nang walang tamang dokumento.

Napag-alaman na malaking bilang ng mga pasahero na hindi pinayagang umaalis ay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Marami rin ang naharang sa Mactan, Clark, Iloilo, Kalibo, Davao, at Zamboanga airport. (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador