CHICAGO (AP) — Hindi maikakaila na moog ang Team USA sa Olympics basketball sa Rio.

Ginapi ng Americans, sa pangunguna ni Kyrie Irving na kumana ng 13 puntos, ang Venezuela, 80-45, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa exhibition game sa United Center.

Galing sa tatlong sunod na dominanteng panalo sa China, ginamit ng US Team ang matikas na opensa sa final period para patiklupin ang Venezuelan na nalimitahan sa 24 percent shooting at 29 na rebound kumpara sa 54 ng Americans.

“Quite frankly, I’m very pleased about tonight because you don’t just want to just hit 17 3s and not work hard,” pahayag ni U.S. coach Mike Krzyzewski. “We had to work real hard tonight.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hataw din si Klay Thompson sa natipang 13 puntos, habang nag-ambag si DeMarcus Cousins ng pitong puntos at 12 rebound, at may siyam na puntos si Kevin Durant mula sa 3-of-9 shooting.

“We just kept fighting defensively, and we were great (in that area),” sambit ni Durant. “And in the second half, we made some shots.”

Nanguna si John Cox sa Venezuela sa naiskor na 14.