Bilang pangunahing hakbang, ipinatawag ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang siyam na aktibong pulis na tinaguriang QCPD “ninja cops” na nakatala ang mga pangalan sa karatulang nakapatong sa bangkay ng umanoy kilabot na drug pusher sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Ayon kay QCPD Director Sr. Supt. Eleazar, ipinag-utos na niya ang masusing imbestigasyon, hindi lamang ang pagkakasangkot ng mga pulis, kundi maging ang pagkakakilanlan ng umano’y biktima ng summary execution.

Napag–alaman na ang natagpuang bangkay ng kilabot na pusher dakong 3:00 ng madaling araw kamakalawa sa Central Avenue, Barangay Culiat ay may karatulang nakapatong sa katawan at nakatala ang siyam na pulis na sinasabing “ninja cops”.

Nakasulat sa karatula ang mga katagang, “’Wag tularan drug pusher ako ng mga pulis na nagrerecycle ng shabu”, at ito ay sina Police Sr. Ins. Damaso, alyas “Father”; PO3 Jojo Torrefiel; PO2 Max Tarafe; PO2 Mike Narag; PO2 Christian Barredo; PO2 Richard Galvez; PO2 Gary Garelan; PO1 Balistog at “Tata Glen”, na pawang mga nakatalaga sa Anonas Police Station 9, batay na rin sa record ng QCPD personnel, sa Camp Karingal, Sikatuna Village QC.

National

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Sarangani

“We will look into the identity of the perpetrator of the crime and will still validate the involvement of the policemen cited on a cardboard. The QCPD will leave no stone unturned to establish the veracity of the allegation.”

pahayag ni Eleazar.

Kapag napatunayan aniya na sangkot sa ilegal na droga ang mga nasabing pulis, posible umanong ipadala ang mga ito sa Mindanao. (Jun Fabon)