Inatasan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng sangay nito sa mga rehiyon na itigil ang pagtanggap ng aplikasyon sa third party service providers bilang unang hakbang para mawakasan ang “endo” o pangongontrata ng manggagawa.

Nakasaad sa inilabas na Department Order No. 162, series of 2016, ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na ang tanging papayagan ng kagawaran na mag-operate ay ang 6,000 kontratista at sub-contractor na rehistrado ng DOLE bago ilabas ang kautusan.

Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod, sa pamamagitan nito marerepaso ang mga lehitimong kontratista kung sila ay sumusunod sa batas at matukoy ang fly-by-night third party service providers. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

MUPH, kinondena pang-ookray ng vlogger kay Chelsea Manalo