PH-Mighty Sports, lumapit sa Jones Cup title.

NEW TAIPEI CITY, Taiwan – Bawat araw, tumatatag ang katayuan ng Philippine-Mighty Sports Apparels sa 34th William Jones Cup sa Xinzhuang gym dito.

Sa pangunguna nina Korean league veteran Dewarick Spencer at dating PBA import Al Thornton, ratsada ang Mighty Sports sa 20-4 run para pabagsakin ang India, 101-81, at panatilihing malinis ang karta sa limang laro.

Kasalukuyang lumalaban ang Mighty Sports laban sa defending champion Iran sa Biyernes ng gabi kung saan ang panalo ay magpapasiguro sa Philippine Team para sa kampeonato sa nine-team tournament.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tangan ng Iran ang 3-1 marka matapos mabigo sa Korean (3-2), 67-50.

Makakaharap ng Iran ang Japan sa Sabado at India sa Linggo.

Kung walang magiging aberya sa Irianian, kakailanganin na lamang ng Mighty Sports dribblers, suportado ng Scratch It at Symarom, na gapiin ang Egyptians sa Sabado ng gabi para masiguro ang kampeonato.

Huling makakaharap ng Philippines ang sibak nang Taiwan-B (2-2) sa Linggo.

Hataw ang 6-foot-4 na si Spencer sa natipang triple-double -- 21 puntos, 12 assist at 10 rebound, habang kumana si Thorthon ng tournament-high 30 puntos mula sa impresibong 13-of-16 shooting sa field.

Nabura niya ang dating tournament high na 27 puntos ni Spencer sa panalo ng Mighty kontra Taiwan-A, 89-81.

“We struggled in the first half because maybe we took the Indians for granted,” sambit ni Spencer.

“But against Iran, we have to be ready from start to finish.”

Iskor:

Mighty Sports 101 – Thornton 30, Spencer 21, Macklin 14, Singletary 10, N’Diaye 8, Graham 5, Teng 4, Rodriguez 4, Ferrer 3, Brickman 2, Tang 0.

India 81 – Amritpal 18, Amjyot 15, Bhullar 15, Arumugam 8, Talwinderjit 8, Philip 8, Sivakumar 4, Pari 3, Pethani 2, Annadurai 0, Bhardwaj 0.

Quarters:

23-27, 48-48, 79-59, 101-81. (REY C. LACHICA)