Nahuli man sa anunsiyo bunsod ng apela ng management, inilabas ng PBA sa kanilang opisyal website ang pagsuspinde ng isang laro at multang P32,500 kay NLEX forward Asi Taulava.

Bunsod ito nang pananampal niya kay San Miguel forward David Semerad sa kanilang laro sa OPPO-PBA Governors Cup elimination noong Biyernes.

Ayon kay PBA commissioner Chito Narvasa, epektibo ang suspensiyon sa laro ng Road Warriors laban sa Ginebra Kings nitong Miyerkules.

Bahagi ng multa ng one-time Gilas member ang P20,000 sa flagrant foul penalty 2 , habang ang P10,000 ay multa sa patuloy na pagsali sa komprontasyon at ang P2,5000 sa bayad sa technical foul na itinawag sa kanya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi inaasahan ng NLEX ang desisyon. Sa ensayo ng NLEX simula nitong Linggo, kasama si Taulava sa scrimmage.