BUDAPEST, Hungary (AP) — May kabuuang 11 weightlifter, kabilang ang apat na Russian medalist ang nagpositibo sa droga sa pinakabagong resulta ng re-testing na isinagawa sa mga samples ng 2012 London Olympics, ayon sa International Weightlifting Federation.

Iniutos ng IWF ang agarang suspensiyon sa 11 atleta, kinabibilangan ng anim na medalist, habang gumugulong ang imbestigasyon.

Sa 11, ang apat na Russian na sina Alexandr Ivanov, silver medalist sa men’s 94-kilogram division; Nataliya Zabolotnaya, silver sa women’s 75-kilogram division; Svetlana Tzarukaeva, silver sa women’s 63-kilogram division; at Andrey Demanov, pumang-apat sa men’s 94-kilogram division at pawang nagpositibo sa ‘dehydrochlormethytestosterone’ na isang uri ng steroid. Si Ivanov ay positibo rin sa ‘tamoxifen’, isang hormone modulator.

Ang tatlo pang medalist sa grupo ay sina Hripsime Khurshudyan ng Armenia (bronze, over-75-kilogram division), Iryna Kulesha ng Belarus (bronze, 75-kilogram division), at Cristina Iovu ng Moldova (bronze, 53-kilogram division).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagpositbo rin sina Sibel Simsek ng turkey, Almas Uteshov ng Kazakhstan, Rauli Tsirekidze ng Georgia, at Intigam Zairov ng Azerbaijan.