OAKLAND, Calif. (AP) — Kampante ang laro ni Kevin Durant at ginantihan ito ng masayang pagsalubong at pagbubunyi ng bagong crowd na makakasama niya sa pagbubukas ng NBA season.

Hataw si Durant ng kabuuang 13 puntos sa 107-57 panalo kontra Team China nitong Martes (Miyerkules sa Manila) para sa ikatlong exhibition match ng kanilang five-city Tour bilang paghahanda sa Rio Olympics.

Ito ang unang paglalaro ni Durant sa bagong tahanan na Oracle Arena. Lumagda ng dalawang taong kontrata ang two-time scoring champion sa Golden State matapos ang siyam na season sa Oklahoma City.

Taliwas sa malamig na pagtanggap ng crowd sa Los Angeles nitong Linggo, ipinagbunyi ng Californian ang pagdating ni Durant sa Bay Area. Pinagkaguluhan siya at masayang pinagbigyan ang mga tagahanga para sa autograph at groupie.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May ilang fan ang may hawak ng placard na may nakalimbag na ”KD is not a Villain”.

Tulad ng kanyang teammate na sina All-Stars Draymond Green at Klay Thompson, masigabong palakpakan ang ibinigay ng crowd kay Durant nang ipakilala si pre-game introduction.

Dumagadundong ang Oracle Arena – kung saan ipinagbunyi ang back-to-back MVP ni Stephen Curry -- sa hiyawan ng “M-V-P! M-V-P!”. Kabilang si Curry — umatras sa US Team para makapagpahinga – sa courtside crowd kasama ang maybahay na si Ayesha.