CALASIAO, Pangasinan – Isang tricycle na nasa drug watchlist ng pulisya pero nagsisimula nang magbagong-buhay ngayon ang pinagbabaril at napatay ng mga kapwa niya sangkot sa droga sa bayang ito, nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Supt. Ferdinand de Asis, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, napatay si Richel Agpoon, nasa hustong gulang, at taga-Barangay Banaoang.

Sinabi ng Calasiao Police na bagamat nasa drug watchlist ay mistulang nagbabagong-buhay na si Agpoon, hanggang sa pagbabarilin ito ng riding-in-tandem criminals habang abala ang ibang tricycle driver sa panonood ng replay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, dakong 6:25 ng gabi.

Samantala, mga kapwa sangkot din sa droga ang sinasabing pumatay sa ikapito sa priority target list of drug personalities ng Urdaneta City na si Lourdes Panlilio, 31, ng Bgy. Poblacion.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Supt. Jeff Fanged, hepe ng Urdaneta City Police, si Panlilio ang nagsu-supply ng droga sa limang barangay sa lungsod. (Liezle Basa Iñigo)