AGUILAR, Pangasinan – Isang dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na responsable sa pagpatay kay Aguilar Mayor Angelito Nava noong 1992 ang nadakip kahapon.

Kinumpirma kahapon ni Supt. Ferdinand de Asis, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, ang pagkakaaresto kay Amante Layagan Dela Cruz, 47, binata, dating kasapi ng CAFGU, sa bisa ng arrest warrant para sa mga kasong murder at frustrated murder, na may petsang Disyembre 1993 at Mayo 1994, ayon sa pagkakasunod.

Nadakip si Dela Cruz dakong 11:30 ng umaga kahapon sa Sitio Tambugan sa Barangay Poblacion, Aguilar, makaraan ang ilang taong pagtatago sa Mindanao.

Ayon sa police record, nagdya-jogging si Angelito Nava, 39, noon ay alkalde ng Aguilar, kasama ang isang hindi nakilalang lalaki nang pagbabarilin siya ng mga suspek. Agad na nasawi ang dalawa. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?