CHICAGO (AP) — Ginulantang ni Valentina Shevchenko ang mundo ng mixed martial arts nang gapiin ang liyamado at dating kampeon na si Holly Holm nitong Sabado (Linggo sa Manila), sa UFC Chicago.
Sumabak sa kauna-unahang pagkakataon, matapos mabitiwan ang korona nang matalos kay Miesha Tate sa UFC 196, kumpiyansa si Holm, subalit naungusan siya sa puntos, 49-46 ni Valentina.
Lumikha ng pangalan si Holm nang maitala ang knockout win at agawin ang korona kay Ronda Rousey ng Australia sa UFC 193. Ngunit, hindi niya ito nasustinahan sa natamong magkasunod na kabiguan para bumagsak sa 10-2 karta.
Umarya si Shevchenko sa 13-2 at nagkaroon ng tsansang makalaban sa women’s bantamweight title kontra Amanda Nunes, tumalo sa kanya noong Marso sa UFC 196.
Bagamat mapatumba ni Holm si Shevchenko sa unang bahagi ng first round, ngunit mabilis itong nakabawi para tapusin ang laban.
Sa co-main event, nagwagi si Edson Barboza via unanimous decision kontra kay Gilbert Melendez sa lightweight fight