Hindi umano masusugpo ang ilegal na droga kung hindi “magagamot” ang mga drug dependent.

Ito ang ipinunto ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa paglulunsad ng “comprehensive and community-based” drug rehabilitation program sa 896 na barangay sa Maynila.

Ayon sa alkalde, itinayo ang rehabilitasyon upang matugunan ang dapat na maipagkaloob sa mga sumusukong sangkot sa ilegal na droga, partikular na ang mga drug user.

“We cannot win the war against drugs if we don’t treat the drug users. Addiction is a complex but treatable disease…

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

It is very important for people afflicted with drug addiction to have quick access to treatment,” paliwanag ni Estrada.

Aniya, ang “out-patient” program na “Sagip Buhay, Sagip Pangarap” ay magagamit sa pinaigting na operasyon kontra ilegal na droga.

Napag-alaman na sapul nang simulan ang kampanya laban sa ilegal na droga ay umaabot na sa 7,000 katao ang sumuko, habang 47 suspek na pawang nanlalaban ang napatay.

“We are happy with the successful campaign to go after drug pushers, but the biggest challenge is fighting the problem of drug addiction itself,” sambit ni Estrada. (Beth Camia)