Hindi na nakauwi pa sa kanilang tahanan ang isang labandera na kilala umano sa paggamit ng ilegal na droga nang harangin at pagsasaksakin habang naglalakad papauwi sa isang madilim na eskinita sa Port Area, Manila nitong Sabado ng gabi.

Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Elena Odchigue, 52, residente ng Extension Block 5, Baseco Compound, Port Area, Manila, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Base sa naging salaysay ng barangay tanod na si Boy Espinosa kay SPO2 Jonathan Bautista, imbestigador ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, dakong 7:30 ng gabi nang ipaalam sa kanya ng ilang residente na may natagpuang bangkay sa tapat ng isang bahay sa Block 11, Baseco Compound, sa Port Area.

Aminado naman ang asawa ng biktima na si Arnulfo na gumagamit ng bawal na gamot ang kanyang misis ngunit hindi aniya ito drug pusher.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Wala naman ni isang residente sa lugar ang makapagbigay ng impormasyon sa pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng tumakas na salarin.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan nito, gayundin ang motibo sa pagpatay sa biktima, na nakalagak ngayon sa St. Rich Funeral para sa kaukulang awtopsiya. (Mary Ann Santiago)