Matapos makapagturong ng basic skills ng volleyball sa kabuuang 600 kabataan sa unang clinics sa Manila, target ni spiker Alyssa Valdez na gawing nationwide ang sakop ng kanyang ng volleyball clinics.

Nakatakdang magsagawa ng tig-dalawang araw na volleyball workshop sa Manila, Cebu City, Davao City at Iloilo City ang UAAP 3- time MVP sa susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni Valdez sa isang press conference na idinaos sa Wack Wack Golf and Country Club nitong Biyernes.

Inaasahang makakaakit ng mahigit 1,000 mga kalahok ang 7- leg activity na kinabibilangan din ng isang stop sa Legaspi, Tuguegarao at Biñan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I am excited to do it again,” pahayag ni Valdez, namuno sa Ateneo sa bronze medal finish sa nakaraang ASEAN University Games.”We’re very happy that we can now expand our reach to more provincial venues where there are a lot of volleyball fans, too.”

“I’m looking forward to bonding with my fellow coaches while also sharing our knowledge of the sport to the participants,” aniya.

Makakasama ni Valdez bilang mga instructor sa Camp 2 na inorganisa ng Crosscourt sa pagtataguyod ng PLDT Home Ultera sina Denden Lazaro, Jem Ferrer, Ella de Jesus, Maddie Madayag, Therese Gaston, Johnvic de Guzman, Jaja Santiago, Jorelle Singh, Gretchel Soltones, at Joyce Palad.

May itinalagang registration fee na P2,000 para sa mga gustong lumahok.

“Through this camp, we hope to get more young people into volleyball,” pahayag ng tinaguriang Philippine volleyball golden girl.

Magsisimula ang camp sa Agosto 6-7 sa Manila bago magtungo sa Southwestern University sa Cebu sa Agosto 13-14, Ateneo de Davao sa Agosto 20-21,at sa Ateneo de Iloilo sa Agosto 27-28 para sa final leg.

Magkakaroon din ng exhibition games kung saan maglalaro sina Valdez kontra sa kanilang mga counterpart sa Cebu at Iloilo.

Samantala, bago idaos ang Skills camp ay magsasagawa ng unang Crosscourt Volleyball tournament para sa mga kabataan kung saan maglalaban- laban ang walong koponan mula Manila at Laguna sa susunod na linggo. (Marivic Awitan)