LAS VEGAS (AP) — Walang dapat ipagamba ang US team, wala man sina Kobe at LeBron.

Tinambakan ng US basketball team ang Argentina, 11-1-74, sa exhibition game nitong Biyernes (Sabado sa Manila) bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa Rio Olympics.

“There’s a willingness from these guys to work on anything we need and to work hard,”pahayag ni coach Mike Krzyzewski. “These are very good guys.”

Hindi nakaramdam ng hamon ang US team, defending champion at hindi pa natatalo sa Olympics sa nakalipas na dalawang edisyon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna sa Americans si Kevin Durant sa naiskor na 23 habang kumana si Paul George ng 18.

Hindi na naglaro sa koponan si Kobe Bryant na nagretiro, gayundin si LeBron James.

“Obviously, they have the best talent and the best size in the world,” pahayag ni Luis Scola, flag bearer ng Argentinian delegation sa Rio. “That’s a big difference in their favor.”

Hataw si Andres Nocioni sa Argentina na may 15 puntos, habang tumipa si Manu Ginobili ng 11 puntos.