Hulyo 23, 1914 nang isyuhan ng ultimatum ng Austrian government ang Serbian foreign ministry, na naghihintay ng pagtugon sa loob ng 48 oras, sa kasagsagan ng World War I. Noong panahong iyon, hinahayaan ang publiko ng Serbia na tuligsain ang monarkiya ng Austria.

Sa ilalim ng kasunduan, pahihintulutan ng Serbia na magsagawa ng Austro-Hungarian investigation sa kaso ng pagpatay kay Austrian Archduke Franz Ferdinand.

Inatasan din ang Serbia na agad buwagin ang “Narodna Odbrana,” alisin mula sa military service at ang lahat ng guilty sa anti-Austrian propaganda.

Nagkomento ang Winston Churchill ng Britain na ang ultimatum ay binubuo ng kondisyon na kahit anong nasyon ay hindi tatanggapin. Noong Hulyo 25, ipinag-utos ni dating Serbian Prime Minister Nicola Pasic ang Serbian army na magsama-sama, at tinanggap ng Serbia ang halos lahat ng kondisyon ng ultimatum.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens