Ibuhos na lamang ang pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pangkalusugan at huwag nang ipasok sa Malacañang upang maiwasang mapakialaman.

Ito ay iminungkahi ni Senator Ralph Recto, kung saan sa ganitong paraan mawawala umano ang pamumulitika sa PCSO.

“The idea is to transform the charity fund from a discretionary fund into a fund with a fixed beneficiary. If it is permanently consigned for a set of activities, then the temptation to tap it for other purpose, no matter how worthy, will be gone,” ani Recto.

Sa ilalim ng batas, ang 55% ng PCSO sa gross income ay para sa papremyo, 15% sa operational expenses , 30% sa charity fund. Lahat ng pondo sa charity fund ay awtorisado ng PCSO Board of Directors at aprubado ng Office of the President.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Aniya, kung wala na ito sa poder ng Malakanyang, maiiwasan din ang mahabang pila ng may sakit.

Nakakakuha ng P100 Million bawat araw ang PCSO batay sa resibo nito noong nakaraang taon na umabot sa P37.4 bilyon, P30 bilyon ang galing sa lotto, P4.3 bilyon mula sa small town lottery, P3.4 bilyon mula sa Keno, at P57 bilyon naman sa Sweepstakes. (Leonel Abasola)