Hulyo 20, 1919 nang isilang ang mountaineer at explorer na si Edmund Hillary sa Auckland, New Zealand. Noong bata pa siya, tumira ang kanyang pamilya sa Tuakau village, at nag-aral sa isang paaralan doon.

Sa school ski trip sa Mount Ruapehu sa edad na 16 ang naging dahilan kung bakit siya napamahal sa pag-akyat ng bundok at niyebe. Nagpartisipa din siya sa outdoor clubs.

Noong Mayo 1953, kasama ang Tibetian climber na si Tenzing Norgay, matagumpay niyang naakyat ang Mount Everest.

Nakapagtayo rin sila ng high camp mula sa lugar na 27,900 talampakan ang taas.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Nakiisa rin siya sa iba’t ibang ekspedisyon sa South Pole, at tinulungan ang mga Nepalese sa paghahanap-buhay.

Sumulat siya ng iba’t ibang libro, at nakiisa sa environmental advocacies. Nagtatag din siya ng organisasyon, ang Himalayan Trust, na layuning iangat ang pamumuhay ng mga Sherpa.