Hulyo 19, 1976 nang itayo ang Sagarmatha National Park sa eastern Nepal sa ilalim ng pamamahala ng National Parks and Wildlife Conservation Act ng bansa.

Nagsisilbing tirahan ng mga kakaibang mammal species ang parke, at binubuo ng mga talahib.

Ang parke ay may taas na 2,845 metro hanggang 8,848 metro, at may lawak na 1,148 square kilometer sa Solukhumbu District. Ito ay binubuo ng apat na climate zones.

Responsibilidad ng Sagarmatha National Parks Office, kasama ang grupo ng Nepalese Army soldiers, na protektahan ang gubat. Taong 1979 nang kilalaning UNESCO World Heritage Site ang parke.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang “Sagarmatha” ay Sanskrit word ng pinagsamang dalawang termino: “sagar” (“sky”) at matha (“forehead”).