kobe copy

Kung ayaw ng UCLA, bukas ang pintuan ng Blue Jays para kay Pinoy cage sensation Kobe Paras.

Sa kanyang mensahe sa Twitter, sinabi ni Paras na lalaro siya sa Big East school Creighton Division I ng US NCAA matapos ang hindi inaasahang pagbasura ng UCLA Bruins sa aplikasyon ng two-time FIBA 3-on-3 slam dunk champion.

Lalaro si Paras sa Omaha, Nebraska-based Blue Jays, ang eskuwelahan na pinagmulan nina NBA player Kyle Korver ng Atlanta Hawks, Sacramento Kings big man Anthony Tolliver, at Chicago Bulls forward Doug McDermont.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I would gladly want to announce that I am taking my talents to Omaha Nebraska,” pahayag ni Paras sa kanyang Twitter account @Im_Not_Kobe.

Nagdesisyon si Paras na lumipat matapos ipahayag ng UCLA Bruins na hindi nakapasa sa kanilang requirement ang Pinoy cage star.

Sa Creighton, mapapalaban si Paras kontra sa matitikas na player mula sa high-profile Division I school na kinabibilangan ng reigning NCAA champion Villanova, Xavier, Seton Hall, Providence, Butler, Marquette, Georgetown, DePaul, at St. Johns sa Big East Conference.

Hindi pa nakakapasok sa Final Four ang Blue Jays, ngunit nakaabot sila sa playoff sa 19 na pagkakataon. Noong 2014, nakuha nila ang ikaanim na puwesto.