MULING pinagbidahan ni Afril Bernardino ang hataw ng Team Philippines –UAAP National University Lady Bulldogs sa women’s basketball finals ng ASEAN University Games.Ginapi ng National University, sa pangunguna nina Afril Bernardino, Gemma Miranda at Ria Nabalan, ang Indonesia, 65-56, para makausad sa championship match ng women’s basketball competition ng ASEAN University Games nitong Biyernes ng gabi sa Singapore.

Makakaharap ng Lady Bulldogs, kumakatawan sa Team UAAP-Philippines sa torneo para sa mga estudyanteng atleta, ang Thailand para sa gintong medalya sa Linggo ng hapon.

Target ng Lady Bulldogs, reigning UAAP champion, na makabawi sa natamong kabiguan sa Thai sa elimination, 78-68.

Itinataguyod ng Ever Bilena at pinangangasiwaan ni coach Pat Aquino, sinimulan ng Lady Bulldogs ang kampanya sa matikas na 74-66 panalo kontra Nanyang Tech University bago pinaluhod ang Malaysian squad, 64-51, nitong Miyerkules.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahan ni Aquino na makababawi sa mababang kalidad ng laro sina key player Jack Animam, Trixie Antiquera at Monique del Carmen para mapalakas ang hanay ng Pinay laban sa Thais, binubuo ng mga miyembro ng Thailand national team.