Hulyo 18, 1948 nang ilunsad ng Argentine race car driver na si Juan Manuel Fangio ang kanyang Formula One sa Grand Prix de l’Automobile Club de France.

Nasungkit niya ang unang kampeonato noong 1951. Ngunit hindi nagtagal ay napansin niyang “too fast and dangerous,” ang mga sasakyan dahilan upang siya’y magretiro matapos ang 1958 season. Umani siya ng limang Formula One title mula 1951 hanggang 1957, at nanguna sa 12-hour sports car race na isinagawa sa Sebring, Florida noong 1956.

Nanalo rin si Fangio sa 24 Grand Prix races. Nakaupo si Fangio sa kanan habang nagmamaneho, at nagsuot ng helmet at goggles. Sa kanyang career, minaneho ni Fangio ang iba’t ibang sikat na sasakyan.

Isinilang si Fangio sa Argentina noong 1911. Siya ay naging automobile mechanic nang huminto siya sa pag-aaral sa edad na 11, at nanalo sa Gran Premio Internacional del Norte noong 1940. Namatay siya sanhi ng pneumonia noong 1995.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’