Hulyo 17, 1902 nang matapos ng batang mechanical engineer na si Willis Haviland Carrier ang kanyang schematic drawings para sa unang air conditioning system sa mundo. Siya ay kinilala bilang “Father of Air Conditioning”.
Naisip ni Carrier na buohin ang aircon matapos niyang maobserbahan ang hamog sa isang Pittsburgh train platform.
Napagtanto niya na mas magiging malamig ang hangin kapag dumaan ito sa tubig.
Sa pagbuo ng air conditioning system, naging konsepto ni Carrier ang paggamit ng piston-driven compressor, coil, at coolant.
Binuo ng textile mill engineer na si Stuart Cramer ang isang ventilating equipment noong 1906.
Taong 1914 nang mai-deliver ang unang home air conditioning unit sa mansion unit ni Charles Gates sa Minneapolis. Ang unit na ito ay may lapad na anim na talampakan at may taas na pitong talampakan.