Hulyo 16, 1935 nang ikabit ang “Park-O-Meter No.1,” unang parking meter sa mundo, sa sulok ng Oklahoma City, Oklahoma sa United States (US). Ito ay inimbento ng newspaper man na si Carl Magee.

Ikinabit ng Dual Parking Meter Company ang unang parking meters, na nag-chacharge ng nickel sa mga sasakyan sa kada oras. Nilagyan nila ito ng 20-foot interval, at ng “robot eyes” na magpapahirap sa mga driver na gumawa ng dahilan.

Ang pagdating ng mga automobile sa unang tatlong dekada ng ika-20 siglo ay naging sanhi ng malalang trapiko sa mga pangunahing lungsod sa US. Sinubukan ng iba’t ibang munisipalidad sa US na resolbahin ito sa pagbabawal ng pagpaparada ng mga sasakyan, ngunit marami ang nagprotesta.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’