Plano ng Department of Budget and Management (DBM) na isulong ang non-stop o 24-hour construction sa urban projects.

Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, batay sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), umaabot sa P2.4 billion ang nawawala sa ekonomiya ng bansa kada araw dahil sa trapiko.

Kabilang sa sanhi ng masikip na daloy ng trapiko ang mga inaayos na kalsada at mga gusaling itinatayo malapit sa lansangan.

“Kaya kailangang madaliin ang mga programa ng pamahalaan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa,” wika ni Diokno. (Bert De Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

John Lloyd Cruz, Isabel Santos nag-unfollow sa isa't isa; minamalisyang hiwalay na!