Hulyo 14, 1789 nang salakayin at wasakin ng galit na galit na mga tao, na karamihan ay rebolusyonaryo, ang pampublikong piitan na Bastille, na matatagpuan sa Paris, France. Ang pasilidad ang sumisimbolo sa diktadurya ng monarkiya sa bansa noon. Nang gabing iyon, kinubkob ng grupo ang Paris Arsenal.

Nagsimula ang insidente sa French Revolution, matapos patalsikin sa puwesto si King Louis XVI at libu-libong katao ang pinaslang.

Ang Bastille, na sinimulang itayo noong 1370 upang patatagin ang Paris laban sa mga pag-atake ng English, ay binubuo ng iba’t ibang tore na nasilayan sa skyline ng lungsod.

Taong 1789 nang maraming Pranses ang nagalit sa kanilang hari, dahil sa kakulangan ng pagkain sa bansa noong panahong iyon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’