Mariing kinondena ng mga lider ng Simbahang Katoliko ang nagaganap na extra-judicial killing sa mga pinaghihinalaang drug pusher at user sa bansa.

“I condemned extra judicial killings of suspected drug users & pushers. Every suspect is entitled for a day in court.

I support Senator De Lima’s plan to have senate hearing to investigate this ‘out of control’ killings,” pahayag ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon kay Bagaforo, na sinang-ayunan nina Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, Malaybalay Bishop Jose Cabantan, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)- Episcopal Commission on Basic Ecclesiastical Communities Executive Secretary Fr. Amado Picardal, CBCP-Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Fr. Kunegundo Garganta, at Task Force Detainees of the Philippines chairman Cresencia Lucero, labag sa batas at karapatang pantao ang sunud-sunod na pagpatay sa mga suspek sa illegal drug trade.

National

VP Sara sa pagbuwelta sa kaniya ni PBBM: ‘Papalagan ko rin ginagawa nila sa’kin!’

Nilinaw ng mga opisyal ng Simbahan na suportado nila ang kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga ngunit kanilang kinokontra ang vigilantism o pagpatay sa mga taong hindi pa napatutunayang nagkasala.

Anila, dapat idaan sa tamang proseso ang panghuhuli at paglilitis sa mga taong pinaghihinalaang sangkot sa anumang krimen. (Mary Ann Santiago)