Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisdang Pinoy na magtatangkang pumalaot sa Scarborough Shoal kasunod ng pagkilala ng Permanent Court of Arbitration sa karapatan ng Pilipinas na makapalaot sa West Philippine Sea (WPS).

Pero agad nilinaw ni Rear Admiral William Melad na hindi dahil sa tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas ang kanilang babala, kundi dahil sa masamang lagay ng dagat bunga ng habagat.

Inilabas ng PCG ang warning matapos mabalitaan na may ilang grupo ng mangingisda ang nagbabalak na samantalahin ang ruling ng tribunal para makabawi sa ilang taon na hindi sila nakapanghuli ng isda sa nasabing bahagi ng WPS.

Tiniyak naman ng PCG na kanilang patuloy na imo-monitor ang nasabing bahagi ng teritoryo upang mapangalagaan ang mga mangingisda. (Beth Camia)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente