Hulyo 13, 1930 nang manalo ang France laban sa Mexico, at tinalo ng United States ang Belgium sa unang World Cup football match sa Montevideo, Uruguay.
Unang inorganisa ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA), katuwang ang noon ay presidente nitong si Jules Rimet, ang World Cup noong taong iyon. Walang qualifying rounds sa nasabing laro, at ito ay binubuo ng 13 koponan. Ngunit tumanggi ang ilang European country na ipadala ang kanilang koponan dahil malayo ang distansiya at lugmok din noon ang ekonomiya. Naging demonstration sport ang football noong 1932 sa Los Angeles Olympics.
Habang nagpapatuloy ang tournament, naging paborito ng fans ang Uruguay at Argentina. Sa final match bago ang 93,000 spectator noong Hulyo 30, 1930, tinalo ng Uruguay ang huli, sa iskor na 4-2.
Dahil sa World War II, inihinto ang laro sa loob ng 12 taon. Ngunit noong 1950, napanalunan ng Uruguay ang ikalawang World Cup championship, at tinalo ang Brazil.