CHEF GENE AT SARAH_please use this copy

NAG-ENROLL ng culinary arts sa Center for Asian Culinary Studies si Sarah Geronimo at si Chef Gene Gonzalez mismo ang nagtuturo sa kanya.

“New Laking CACS” na ang tawag ng chef kay Sarah na ang sabi, “For the future” ang pag-i-enroll niya ng culinary studies.

Marami agad ang nag-like sa picture nila na ipinost ni Chef Gene at siya ang pinutakti ng tanong ng fans ng singer-actress. Marami ang nagre-request kay Chef Gene ng more pictures ni Sarah habang nag-aaral ng culinary arts.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon pa kay Chef Gene, si Judy Ann Santos ang kumumbinsi kay Sarah to pursue culinary studies at sa first day nito, maayos ang trabaho ni Sarah at magaling for a beginner.

“Today was cutting skills with her new knives and all veggies,” ang sabi ni Chef Gene.

Ito ang sagot ni Chef Gene nang tanungin kung magiging regular student si Sarah: “Though she is very busy she is determined to finish her first program. Siyempre si Juday ang nag-convince... malay natin maging cookbook author din si SG... interested siya sa healthy cooking. Ladderized ang program niya... it’s not days or months... it’s credited classes or modules... from my estimate she will finish the basic program in 3 to 4 months depending on her scheds.

She will get a certificate and if she pursues SG can get her diploma.”

Masaya ang fans ni Sarah na habang bakasyon siya sa showbiz, may iba siyang pinagkakaabalahan na malaki ang maitutulong sa magiging “future” nila ni Matteo Guidicelli. Excited ang kanyang fans sa mga lulutuin niya at sa pagdating ng araw na tatanggap si Sarah ng certificate o kaya’y diploma mula sa Center for Asian Culinary Studies.

(NITZ MIRALLES)