Hulyo 12, 1862 nang lagdaan ni noon ay United States President Abraham Lincoln ang batas na lumikha sa US Army Medal of Honor, sa ngalan ng US Congress, para sa non-commissioned officers at privates na nagpamalas ng kagitingan at ng mga katangian ng isang sundalo. Pinapayagan ang Presidente na magkaloob ng 2,000 medalya “with suitable emblematic devices.”
Ang parangal ay unang nakamit ng anim na sundalong miyembro ng Union raiding party na kumubkob sa Confederate territory noong 1862. Umabot sa mahigit 3,400 lalaki, kasama ang isang babae, ang tumanggap ng award dahil sa kanilang ipinakitang katapangan sa mga sagupaan.
Noong una, pinahintulutan ng US Congress ang paglalabas ng “certificates of merit” para sa mga karapat-dapat na private soldiers noong Marso 1847. Noong Disyembre 21, 1861, pinayagan ni Lincoln ang legislative action para magbigay ng 200 Navy Medals of Honor, na nagbigay inspirasyon para magbuo rin ang Army ng kaparehong pagkilala.