Lalarga ang 2016 Asia Pacific (AsPac) Intermediate and Senior Baseball Tournament ngayon sa Clark, Pampanga.

Sasagupain ng Philippine champion Sarangani ang mga matinding kalaban sa pagharap nito sa Japan sa pagsimula ng aksiyon sa Intermediate 50/70 division, habang ang International Little League Association of Manila (ILLAM) ay sisimulan ang kampanya kontra Australia sa Senior League Baseball play.

Isasagawa rin ang opening-day matches sa pagitan ng defending champion Korea kontra Indonesia sa Intermediate, at ang nagtatanggol na kampeong Commonwealth of the Northern Mariana Islands (CNMI) kontra Guam sa Senior.

Una munang isasagawa ang tradisyunal na opening ceremonies at parade of teams bago ang aksiyon sa unang araw sa ganap na 8:00 ng umaga sa Lunes.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kabuuang 10 koponan mula sa walong bansa ang magsasagupa sa torneo na suportado ng Mister Donut at ang Philippine Sports Commission at nagsisilbing qualifying meet para sa World Series.

Ang Hong Kong, ikalawang bansa sa torneo, ay sisimulan ang kampanya sa Intermediate sa Martes kontra naman sa Japan.

Ang tatanghaling kampeon ang magrerepresenta sa Asia Pacific sa Intermediate 50/70 Baseball WS na gaganapin sa Livermore, California at sa Senior League Baseball WS sa Bangor, Maine sa susunod na buwan. - Angie Oredo