Hulyo 10, 1925 nang simulan ng Indian spiritual master na si Meher Baba (The Awakener) ang pagpapairal ng katahimikan, na pinanatili niya hanggang sa kanyang kamatayan noong Enero 31, 1969. Nakikipag-usap siya sa kanyang mga disipulo gamit ang alpabeto, at kalaunan, sa pamamagitan ng mga kumpas ng kamay.

Nagdesisyon si Baba na pag-aralan ang katahimikan dahil sa kanyang matinding spiritual work, na pinalubha ng “worsening chaos and conflict” sa iba’t ibang bansa nang mga panahong iyon. Sinabi rin niya na ang kanyang misyon ay “to awaken people.”

Nag-aral si Baba sa Decan College, at doon niya nakilala ang babaeng Muslim na si Hazrat Babajan, na may malalim na pananalig na tumulong sa kanya para mabuo ang kanyang spiritual identity.

Simula 1953, inatasan ni Baba ang kanyang mga tagasunod sa Silence Day na bigkasin ang pangalan ng Panginoon, mag-ayuno, o manatiling tahimik.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’