Pinahintulutan ng Philippines Overseas Employment Administration (POEA) ang redeployment ng overseas Filipino workers (OFW) sa South Sudan sa pagtatag ng sitwasyong pulitikal doon.

Batay sa Governing Board Resolution No. 11, pinapayagan ng POEA ang muling pagpasok ng mga manggagawang Pinoy sa bansang African na dati nang nagtatrabaho doon.

Gayunman, nilinaw ng resolusyon na ipinagbabawal pa rin ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa, saad sa kautusan na inaprubahan noong Hunyo 30 at inilabas lamang nitong Hulyo 4. (PNA)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'