DALLAS (AP) — Pormal nang nilagdaan nina Kevin Durant at Harrison Barnes ang kani-kanilang kontrata para selyuhan ang pagpapalit ng koponan para sa pagbubukas ng NBA season.

Tinanggap ni Durant, one-time Finals MVP at four-time scoring champion, ang jersey ng Golden State Warriors sa isinagawang press conference nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) matapos lagdaan ang dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $54 million.

“When I met these guys, I felt as comfortable as I’ve ever felt. It was organic, it was authentic, it was real,” sambit ni Durant patungkol sa nakatakdang pagkikita sa pamosong “Splash Brothers” nina Stephen Curry at Kyle Thompson.

“WELCOME KD TO DUB NATION,” nakalimbag sa banner sa palibot ng Warriors practice facility.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa pagkakasama ni Durant sa Warriors, ipinapalagay ng marami na isang “superteam” ang Golden State, nitong nakalipas na season ang nakapagtala ng 73-9 marka.

Ipinakilala rin si Barnes sa media conference bilang kaagapay ni Mavs star Dirk Nowitzki.

Tinanggap ng 24-anyos na si Barnes ang alok na apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $94 million.

Nakuha rin ng Dallas sa trade si Andrew Bogut.

Gayundin, lumagda ng bagong dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $40 million si Nowitzki, gayundin si point guard Deron Williams na may $10 million para sa isang season.