Hulyo 8, 1951 nang ipagdiwang ng kabiserang siyudad ng France, ang Paris, isang fashion at culture center, ang ika-2,000 taong pagkakatatag nito. Ito ay binubuo ng mahigit 10 milyong residente.

Taong 250 B.C. nang inokupa ng tribong Parisii ang isla na nasasakupan ng kasalukyang Seine River ng Paris. Kinubkob ng mga Romano, kabilang na si Julius Caesar, ang nasabing lugar. Pinalitan ang pangalan ng lugar, mula sa Lutetia ay naging Paris.

Naging intellectual district ang Left Bank area; habang ang Right Bank ay isang business-friendly area. Nagsilbing art and science hub ang Paris noong panahon ng French Renaissance mula sa huling bahagi ng 1400s hanggang sa unang bahagi ng 1600s.

Sa kalagitnaan ng 1800s, idinisenyo ni Georges-Eugene Hausmann ang naglalakihang pampublikong parke, bagong sewerage system, at environmental boulevards para sa lungsod. Taong 1889 nang nakumpleto ang pagtatayo sa Eiffel Tower.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens