durant copy

Warriors, binansagang ‘superteam’ sa pagsanib ni Durant.

OAKLAND, Calif. (AP) — Sa Araw ng Kalayaan, kumawala sa gapos ng Oklahoma City Thunder si NBA All-Star Kevin Durant upang makipagsanib puwersa sa pamosong “Splash Brothers” ng Golden State Warriors.

Matapos ang pakikipag-usap sa mga interesadong koponan, pinili ni Durant—isang unrestricted free agent – ang 2015 NBA champion para isulong ang career at bigyang-katuparan ang pangarap na maging isang ganap na kampeon.

Kahayupan (Pets)

Furbaby na nag-iinarte sa dog food, kinagiliwan

“The primary mandate I had for myself in making this decision was to have it based on the potential for my growth as a player — as that has always steered me in the right direction,”pahayag ni Durant sa The Players Tribune nitong Lunes (Martes sa Manila) kung saan ipinagdiriwang sa US ang 4th of July Independence Day .

“With this in mind, I have decided that I am going to join the Golden State Warriors,” ayon kay Durant.

Wala pang pormal na pahayag ang Warriors dahil sa Hulyo 7 pa ang hangganan para sa merkado ng free agency.

Ngunit, ayon sa report, tinanggap ni Durant ang alok na $54 million para sa dalawang taong kontrata kaakibat ang “player option” para sa huling taon.

“It really pains me to know that I will disappoint so many people with this choice, but I believe I am doing what I feel is the right thing at this point in my life and my playing career,” aniya.

Tila isang malakas na lindol ang kaganapan na kaagad na nadama sa kabuuan ng liga at hindi napigilan ng ilan ang magpahayag ng kanilang opinyon sa bagong superteam na binubuo ng apat na All-Stars at dalawang MVP.

“Thats crazy!!!! KD in GSW????” pahayag ni Wizards center Marcin Gortat sa kanyang Twitter account. “(Are) they gonna score 200 points a game?”

Napakalalim na ng bench ng Warriors kahit wala pa si Durant. Nagkampeon ang Golden State noong 2015 at naitala ang makasaysayang 73-9 marka sa regular-season, at kinapos lamang sa Game 7 sa Finals kontra sa Cleveland Cavaliers.

Sa kabila nito, mayroon ding hindi kumbinsido.

“Everyone is so hyped up on the match-up problems on the offensive end? They still gotta come down the other end,” sambit ni Pistons All-Star center Andre Drummond. “Not a very big team.”

“If you can’t beat um, join um,” bulalas ni Clippers forward Paul Pierce.

Ngunit, para mabuo ang superteam, kailangan ding isuko ng Warriors ang mga dating miyembro tulad ni Harrison Barnes na tuluyang nakuha ng Dallas Mavericks nang hindi na tapatan ng GSW ang offer sheet na $93 million at i-trade si center Andrew Bogut kay Zaza Pachulia.

Samantala, tinanggap din ni forward Pau Gasol ang alok na $30 million para sa dalawang taon na kontrata sa San Antonio Spurs.