Hulyo 4, 1976 nang idaos ng British punk rock band na The Clash ang una nilang pagtatanghal sa The Black Swan sa Sheffield, England.
Ang unang live gig ng banda ay kinakitaan ng sigla at dedikasyon, kahit paminsan-minsang sumablay. Isinulong din ng The Clash ang mga pagbabago sa lipunan, gaya ng radical justice, at ilan sa kanilang awitin ay may kinalaman sa pulitika. Nakilala rin ang banda sa pagkakaroon ng kakaibang tugtugin at visual aesthetics.
Nakahanap ng drummer ang The Clash sa katauhan ni Topper Headon ilang buwan matapos ang una nilang gig. Gayunman, nagkomento si Joe Strummer na dapat ay “returned to the garage” ang banda.
Tagsibol ng 1977 nang inilunsad ng banda ang una nitong self-titled album. Ang ikalawa nilang album ay napili bilang “Album of the Year” ng Rolling Stone magazine. Ilan sa mga awitin ng banda ang “Clampdown”, “Train in Vain (Stand by Me)”, at “Stay Free.”