NAGAWANG mapigilan ng top seed Air Force ang pagtatangka ng Laoag na makapuntos sa krusyal na sandali para mailusot ang five-setter win sa kanilang semifinal match-up at makausad sa championship round ng Shakey’s V-League.   JOHN JEROME GANZON
NAGAWANG mapigilan ng top seed Air Force ang pagtatangka ng Laoag na makapuntos sa krusyal na sandali para mailusot ang five-setter win sa kanilang semifinal match-up at makausad sa championship round ng Shakey’s V-League.
JOHN JEROME GANZON
Mga laro ngayon (Philsports Arena)

1 n.h. -- Sta.Elen vs IEM

4 n.h. -- Cignal vs Air Force

6 n.g. -- Pocari vs BaliPure

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Walang-humpay na paluan ang inaasahan sa pagtutuos ng Pocari Sweat at BaliPure sa winner-take-all Game Three ng kanilang semifinal duel ng Shakey’s V-League Season 13 Open Conference ngayon sa Philsports Arena sa Pasig.

Nakatakda ang aksiyon sa ganap na 6:00 ng gabi.

Nahila ng Lady Warriors ang serye sa hangganan nang magwagi sa Purest Water Defender sa pahirang five-setter nitong Sabado, sa San Juan Arena.

Ayon kay assistant coach Rommel Abella, naging kumpiyansa ang pagtanggap ng kanyang mga player sa hamon ng karibal.

“We challenge them to prove that we’re also a capable team, na kaya din namin silang (Balipure) talunin,” pahayag ni Abella na muling sasandal kina Myla Pablo at team skipper Michelle Gumabao at setter Gizelle Sy, para pangunahan ang kanilang target na umusad sa kampeonato.

Sa kabila ng kabiguan, kumpiyansa ang Purest Water Defenders na makaahon sa duwelo.

“We have to check sa aming turnover. Malaking bagay ito,” pahayag ni playing coach Charo Soriano.

Sisikapin aniya na hindi masayang ang tsansang nakuha nila matapos ang elimination round.

“The best team win,” aniya.

Muli, pangungunahan ang BaliPure nina UAAP standout Alyssa Valdez at at NCAA MVP Gretchel Soltones, katulong sina setter Jem Ferrer, libero Denden Lazaro at open hitter Gzi Gervacio para sa target nilang makatunggali ang Air Force sa kampeonato.

Mauuna rito, simula na rin ang duwelo sa kampeonato ng Spiker’s Turf Season 1 Open Conference sa pagitan ng Cignal at Air Force sa ganap na 4:00 ng hapon.

Maghaharap naman para sa battle for third place ang Sta. Elena Construction at ang Instituto Esthetico Manila sa ganap na 1:00 ng hapon. - Marivic Awitan