Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas ang bagyong namataan sa silangan ng Mindanao.

Sa report ng Philippine Atmopsheric, Geophysical ang Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng pumasok bukas, Martes, sa bansa ang nasabing bagyo na huling namataan kahapon sa layong 2,020 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at ito ay kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Ayon sa PAGASA, kapag tuluyan na itong pumasok sa bansa, tatawagin itong bagyong ‘Butchoy.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nilinaw naman ng PAGASA na malabo itong mag-landfall sa alinmang bahagi ng bansa. - Rommel P. Tabbad