WALANG nakitang kaugnayan sa pagkakaroon ng sakit sa puso o stroke ang pagkain ng butter, at sa halip ay maaari pa itong makatulong upang makaiwas laban sa type 2 diabetes, ayon sa resulta ng isang pag-aaral.

Bagamat may mga pag-aaral na nagsabing ang pagkain ng butter ay maaaring maging sanhi ng maagang pagkamatay, ang posibilidad sa panganib na ito ay napakaliit lamang, ayon sa mga researcher.

“Overall, our results suggest that butter should neither be demonized nor considered ‘back’ as a route to good health,” ayon sa co-author ng pag-aaral na si Dr. Dariush Mozaffarian, dean ng Friedman School of Nutrition Science and Policy sa Tufts University sa Massachusetts.

“(Findings) do not support a need for major emphasis in dietary guidelines on either increasing or decreasing butter consumption,” pahayag ng mga researcher kaugnay sa nasabing pag-aaral.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Alam ng lahat na ang butter ay nagtataglay ng saturated fat, na itinuturing bilang “bad” fat. Ngunit, inalam ng mga researcher ang kabuuang epekto ng pagkain ng butter, sa halip na pagtuunan ang nutrients na taglay nito, ayon sa mga researcher.

Walang nakita ang mga researcher na may kaugnayan ang pagkain ng butter sa pagkakaroon ng sakit sa puso.

(LiveScience.com)