NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang New Vois Association of the Philippines (NVAP) kay Pangulong Benigno S. Aquino III sa paglagda nito sa dalawang mahalagang tobacco control law para sa proteksiyon at promosyon ng maayos na kalusugan ng bawat Pilipino sa kabuuan ng kanyang termino na magtatapos ngayon Hunyo 30, ayon sa ulat ng Philippines News Agency (PNA).

Ayon kay NVAP president Emer Rojas, cancer survivor, laking pasasalamat ng kanilang samahan sa bababang Pangulo sa pagpirma nito sa Republic Act No. 10351 o ang Sin Tax Reform Law and Republic Act No. 10643 o ang Graphic Health Warnings Law.

“Among President Aquino’s legacies shall always be the signing of the two measures that have been proven as effective tools in curbing the tobacco menace in the country -- the Sin Tax Law and the GHW Law. These two policies will forever be linked to the Aquino administration,” sambit ni Rojas, isang engineer at Global Cancer Ambassador.

Idinagdag pa niya na kahit na naninigarilyo mismo ang Pangulo ay pinirmahan pa rin niya ito. “Being a smoker himself proved to be a non-factor for President Aquino as it did not stop him from considering what would be beneficial for all Filipinos, which is to save them from developing smoking-related illnesses, through these tobacco control policies,” ani Rojas.

Matatandaang noong Disyembre 2012, pinirmahan ni Pangulong Aquino ang Sin Tax Law, na ang layunin ay mahirapang makabili ng sigarilyo ang mga smoker, lalo na ang mga mahihirap at kabataan, sa pamamagitan ng pagtataas ng buwis sa nasabing produkto.

Samantala, ang GHW Law ay inaprubahan ng Chief Executive noong Hulyo 2014 na nag-aatas sa mga kumpanya ng sigarilyo na lagyan ng mga larawan kaugnay sa magiging epekto ng paninigarilyo.

Gaya ng pagpapahalaga ng PNoy administration na labanan ang paninigarilyo, umaasa umano si Rojas sa mas malawakang aksiyon sa susunod na Pangulo na si Rodrigo Roa Duterte.

“We are confident that incoming President Duterte will carry out his earlier declaration of imposing a nationwide smoking ban. There is no doubt on his political will as he has already shown this in making Davao City smoke-free since 2002,” ayon sa NVAP head.

Matatandaang kinilala ng World Health Organization (WHO) ang Davao City sa pagiging smoke-free simula pa noong 2002.

Ang nasabing lungsod ang unang nagpatupad ng nasabing batas sa Pilipinas.

“The youth have been targeted by tobacco companies as ‘replacement smokers’. Therefore, it is only logical to start the campaign in achieving a smoke-free Philippines in schools and universities,” ani Rojas.

Base sa Section 5 of R.A. 9211 o ang Tobacco Regulation Act, “smoking shall be absolutely prohibited in playschools, preparatory schools, elementary schools, high schools, colleges, and universities.”